Mga Pangunahing Kaalaman sa Pangangalakal ng mga Share at Pares ng Pananalapi

Alamin kung paano simulan ang pangangalakal ng mga stock at pananalapi sa pandaigdigang mga merkado ng pananalapi.

| 22 April 2024

Introduction to Stock market
  • Ang merkado ng stock ay tumutukoy sa isang pinansiyal na pamilihang dako kung saan ang mga stock (o mga share) ng mga nakalistang kompanya sa publiko ay kinakalakal

  • Sa pangangalakal ng stock, maaaring kumita kapag tumaas o bumaba ang presyo ng isang asset dahilan sa ikaw ay nakikipagkalakalan sa presyo ng share sa halip na ariin ang aktwal na share

  • Ang pangangalakal sa pananalapi ay nangangahulugan ng pagbili at pagbebenta ng malaking bilang ng mga pananalapi, na kumikita habang nagbabago ang mga presyo

  • Ang mataas na bulto ng kalakalan sa araw-araw at naiaayon na oras ng kalakalan ay dahilan na ang merkado ng pananalapi ay nakakaenganyong pagkakataon para sa mga mangangalakal na may iba't ibang antas ng karanasan

  • Ang pinansiyal na asset ay maaaring ikalakal nang may leverage, na nangangahulugang ang mga mangangalakal ay maaaring gumamit ng marginal na deposito upang kontrolin ang mas malaking sukat ng kalakalan

Panimula sa mga merkado ng stock

Ang isang stock, na tinatawag ding share o equity, ay nangangahulugang ang pagmamay-ari ng isang bahagi ng isang kompanya. Ang merkado ng stock ay tumutukoy sa isang pamilihang dako kung saan ang mga kompanya, mamumuhunan at ang pangkalahatang publiko ay nagbebenta at bumibili ng mga stock ng mga nakalistang-pampubliko na mga kompanya.

Mayroong iba't ibang mga paraan upang bumili ng mga stock. Maaaring bilhin ang mga ito sa isang initial public offering, o IPO, kapag ibinenta ito ng isang kompanya sa mga namumuhunan upang makalikom ng mga pondo. Ang mga stock ay maaari ding ikalakal sa pagitan ng mga mamumuhunan sa pangalawang merkado. Nangangahulugan ito na ang mga mamumuhunan nabumili ng mga stock mula sa kompanya mismo ay maaaring magbenta nito sa ibang mga interesadong mamumuhunan. Maaaring ikalakal ang mga stock sa mga palitan ng stock o over-the-counter (OTC) na mga merkado.

Ang mga palitan ng stock ay mga sentralisadong mga pamilihang dako na gumagana bilang pangunahin at pangalawang mga merkado. Ang isang 'sentralisadong pamilihang dako' ay nangangahulugan na ang lahat ng mga kalakalan ay iniuulat sa sentral na institusyon at lahat ng mga kalahok sa merkado ay may access sa parehong mga stock sa parehong presyo. Kabilang sa mga pangunahing palitan ng stock ay ang New York Stock Exchange (NYSE), Nasdaq (ang nakatuon sa teknolohiya na palitan), at ang London Stock Exchange (LSE).

Ang OTC na merkado ay desentralisadong 'over-the-counter' na pamilihang dako kung saan ay ikinakalakal ang mga stock sa pagitan ng mga pribadong katapat na partido, katulad ng mga tingiang broker at mga nagsasariling mga mangangalakal. Ang isa sa mga pangunahing pagkakaiba kumpara sa mga palitan ng stock ay na sa OTC na merkado ang tagapagbigay ay maaaring magpakita ng mga asset sa kanilang napiling presyo.

Paano naiiba ang pangangalakal ng mga share sa pamumuhunan sa mga share?

Ang mga mamumuhunan ay madalas na bumibili ng mga stock na umaasang maaari nilang ibenta ang mga ito sa mas mataas na presyo sa ibang pagkakataon upang kumita. Sa halip na direktang bumili ng mga share, ang mga online na mangangalakal ay gumagawa ng espekulasyon sa paggalaw ng presyo ng isang share at kumita kapag tama ang kanilang hula. Ang mga mangangalakal ay hindi nakakakuha ng anumang pagmamay-ari sa kompanya o nagkakarron ng karapatan sa mga dibidendo, dahilan sa hindi direktang pagmamay-ari ng mga mangangalakal ang pinagbabatayang asset.

Ang US, UK at EU na mga merkado ng stock ay kabilang sa mga pinakakilala na merkado para sa mga mangangalakal ng stock. Ang mga online na merkado ng stock ay bukas limang araw sa isang linggo, na kadalasang sumusunod sa mga oras ng merkado ng mga palitan ng stock.

Ang pangangalakal ng stock ay kadalasang naka-leverage na nangangahulugang makokontrol ng mga mangangalakal ang mas malalaking bulto ng kalakalan habang namumuhunan lamang sa maliit na margin. Halimbawa, kung ang leverage ay 1:20, nangangahulugan ito sa pamamagitan ng pag-invest ng $100, maaari kang maglagay ng trade na nagkakahalaga ng $2,000. Ang leverage na inaalok ay depende sa produkto at sa broker.

Ang parehong kita at lugi ay kinakalkula batay sa buong laki ng kalakalan, hindi lamang ang ipinuhunang margin. Samakatuwid, ang paggamit ng leverage ay nagbibigay-daan sa mas malaking kita ngunit mahalagang tandaan na inilalantad din nito ang mga mangangalakal sa mas malaking pagkalugi. Kapag gumagamit ng leverage, palaging isaalang-alang kung gaano kalaking kapital ang handa mong ipagsapalaran.

Panimula sa pangangalakal ng pananalapi

Ang pagbili o pagbebenta ng mga pananalapi sa maliit na halaga ay pamilyar sa marami na nakapagbakasyon na sa ibang bansa. Gayunpaman, ang mga pares ng pananalapi ay maaaring mabili at maibenta sa mas malalaking bulto sa mga online na pamilihang dako na may layuning kumita. Ito ay tinatawag na pangangalakal ng pananalapi.

Ang pangangalakal ng pananalapi ay isa sa pinakamalaking pinansiyal na pamilihang dako sa mundo, na lampas sa trilyong dolyar ang dami ng nakakalakal sa araw-araw. Ito ay isang hindi sentralisadong merkado na nangangahulugang wala itong sentral na palitan, at ang mga produkto ay karaniwang kinakalakal sa over-the-counter (OTC) na merkado.

Ang online na pangangalakal sa mga pares ng pananalapi ay nagbibigay-daan sa mga trade na kumita mula sa mga paggalaw ng presyo sa merkado, nang hindi direktang pagmamay-ari ang asset. Palagiang maraming aktibidad sa merkado, na pinapanatiling gumagalaw ang mga presyo at lumilikha ng mga nakakaenganyong pagkakataon para sa mga indibidwal na mangangalakal. Ang mga pagbabago sa pangangailangan at suplay ay maaaring malikha dahilan sa iilang mga bagay kabilang dito ang mga patakaran sa pananalapi at geopolitikal na mga kaganapan.

Ang pangangalakal ng pananalapi, tulad ng pangangalakal ng mga share, ay kadalasang ginagamitan ng leverage, ibig sabihin ay ang mas maliliit na paunang deposito ay nagagamit ng mga mangangalakal upang kontrolin ang mas malalaking bulto ng kalakalan.

Ang mga pananalapi ay kinakalakal sa mga pangunahing sentro ng pananalapi ng US, Europa, at Asya, ibig sabihin ay kapag nagsara ang mga merkado sa isang kontinente, nagbubukas sila sa isa pa. Samakatuwid, ang mga pares ng pananalapi ay maaaring ikalakal ng 24 oras sa isang araw, limang araw sa isang linggo. Ang mga oras ng pangangalakal ay mas naiaayon kumpara sa iba pang mga produktong pampinansyal na sumusunod sa mga oras ng pagbubukas at pagsasara ng New York Stock Exchange, tulad ng mga share at mga ETF.

Mga mungkahi sa nagsisimula para sa pangangalakal ng mga pananalapi

Ang sinumang may sapat na pondo ay maaaring magtuklas ng mga pagkakataon sa merkado ng pananalapi sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa pangangalakal sa isang online na broker. Tingnan natin ang mga pangunahing mga kaalaman sa pangangalakal ng pananalapi at ilang kapaki-pakinabang na terminolohiya bago ka magsimula.

Ang mga pananalapi ay palaging kinakalakal nang pares dahil kapag bumili ka ng isa, ibebenta mo ang isa. Ang mga pares ng pananalapi ay karaniwang nahahati sa pangunahin, minor, at eksotiko na pares.

- Ang mga pangunahing pares ng pananalapi ay naglalakip sa US na dolyar bilang batayan o alok na pananalapi, at ang mga pares na ito ay umaabot ng hanggang tatlong-kapat ng lahat ng mga kalakal ng pananalapi. Ang EURUSD at GBPUSD ay mga halimbawa ng mga pangunahing mga pares ng pananalapi. Ang mga pangunahing pares ng pananalapi ay kadalasang nahaharap sa mas kaunting mga problema sa pagkalikido dahil sa patuloy na pangangailangan sa mga pananalaping ito sa merkado.

- Ang mga minor na pares ng pananalapi ay ang iba pang makabuluhang mga pares ng pananalapi maliban sa US na dolyar, tulad ng EURGBP at GBPAUD.

- Ang eksotikong mga pares ng pananalapi ay naglalakip sa mga pananalapi ng maliliit o umuusbong na mga merkado ng pananalapi. Ang mga eksotikong pares ay nakakaranas ng madalas na pagbabagu-bao na siyang nagpapahintulot sa mga pagkakataon para sa kita, ngunit maaari rin silang makaranas ng mga isyu sa pagkalikido dahil mas mababa ang dami ng kalakalan at maaaring hindi palaging may pangangailangan.

Mayroong maraming partikular na terminolohiya sa currency market na dapat malaman ng mga nagsisimula.

Ang batayang pananalapi ay ang pananalaping makikita sa kaliwa ng isang pares ng pananalapi, samantalang ang pananalapi sa kanan ay tinatawag na alok na pananalapi. Halimbawa, sa pares ng EURUSD, ang Euro ang batayang pananalapi, at ang US na dolyar ay ang alok na pananalapi. Ang halaga ng batayang pananalapi ay palaging isa, at ipinapakita ng halaga ng palitan kung gaano karaming mga unit ng alok na pananalapi ang kinakailangan para makabili ng isang unit ng batayang pananalapi. Kung ang halaga ng palitan ng EURUSD ay 1.0972, nangangahulugan ito na ang 1.0972 dolyar ay nagkakahalaga ng 1 euro.

Ang hiling na presyo ay ang presyo kung magkano mo bibilhin ang pananalapi, at ang alok na presyo ay ang presyo kung magkano mo ito ibebenta. Ang mga spread ay ang pagkakaiba sa pagitan ng mga presyo ng alok at hiling na inaalok ng online na broker. Halimbawa, para sa EURUSD na pares, ang presyo ng alok na inaalok ng broker ay maaaring 1.09721 at ang hiling na presyo ay 1.09722. Ito ay magiging spread ng 0.1 pips.

Ang isang pip sa pangangalakal ng pananalapi ay nangangahulugang isang-numero na paggalaw sa ikaapat na decimal place ng isang pares ng pananalapi. Dahil ang mga pagbabago sa presyo sa mga pares ng pananalapi ay kadalasang maliliit, ang mga pangangalakal ay ginagawa sa malalaking bulto upang makamit ang mas malaking kita. Karaniwang kinakalakal ang mga pananalapi sa mga lot, ang karaniwang sukat ng lot ay 100,000 unit ng batayang pananalapi.

Mga benepisyo ng pangangalakal ng mga share at mga pares ng pananalapi

Kung interesado kang mamuhunan sa mga stock, bakit mo dapat subukang mangalakal sa online? Tuklasin natin ang ilan sa mga pangunahing benepisyo:

- Madaling ma-access sa online

Ang mga share ay kinakalakal sa online na plataporma ng pangangalakal at madaling naa-access sa online ng sinumang may koneksyon ng internet at may kompyuter o mobile device. Gayunpaman, ang online na kalakalan ay maaaring may restriksiyon sa ilang mga bansa kaya siguraduhing magbubukas ka ng account sa isang kontroladong broker.

- Kakayahang gawing mahaba o maikli

Sa pamumuhunan, maaari ka lamang kumita kung tataas ang presyo ng isang stock. Ang pangangalakal ng mga share ay nagpapahintulot din sa iyo na kumita mula sa mga bumabagsak na presyo - kung matatantiya mo nang tama ang mga paggalaw ng merkado. Kapag nagbubukas ng isang kalakalan maaari kang pumili ng mahabang posisyon, na hinuhulaang tumaas ang presyo, o maikling posisyon, na inaasahang bumaba ang presyo.

- Matipid na paraan ng pagpasok sa mga merkado ng pananalapi

Ang pangangalakal ng mga share sa online ay mas matipid na paraan ng pag-access sa merkado ng stock kaysa sa direktang pamumuhunan sa mga stock. Depende sa kompanya, ang pagbili ng mga stock ay maaaring mangailangan ng maraming paunang kapital upang makapagsimula. Dahil sa leverage, maaari kang mangalakal ng mga stock mula sa ilan sa mga nangungunang kompanya sa mundo at galugarin ang mga pagkakataon sa pananalapi gamit ang isang bahagi ng buong presyo nila.

- Potensyal para sa mas malaking kita

Ang leverage ay nagbibigay ng potensyal para sa mas malaking kita ngunit kapantay din nito ang pagkalugi. Kung ikukumpara sa pamumuhunan sa mga stock sa pamamagitan ng direktang pagbili ng mga ito, may posibilidad na kumita ng mas mataas sa online na kalakalan dahil pinapahintulotan ka ng leverage na kontrolin ang mas malalaking kalakalan. Ang pagpili ng estratehiya sa pangangalakal na nakatuon sa paghahanap ng mga pagkakataon sa mabilis na paggalaw ng presyo ay maaari ding magbigay ng mabilis na kita kaysa sa pamumuhunan.

Ngayon ang kailangan mo lang gawin ay magbukas ng isang account sa pangangalakal upang simulan ang pangangalakal sa mga pandaigdigang merkado. Ang pagbubukas ng account ay maaaring gawin sa loob ng ilang minuto at sa sandaling nakapagdeposito ka ng pondo sa iyong account, handa ka nang magbukas ng iyong mga unang posisyon.

Kapag namuhunan ka ng pera, palaging may kasamang mga panganib. Ang pagsusuri sa merkado, plano sa pangangalakal at mga tool sa pamamahala ng panganib ay mahalaga para sa lahat ng mga online na mangangalakal dahil nakakatulong ang mga ito na gumawa ng mas matalinong mga desisyon sa pangangalakal at limitahan ang panganib ng pagkawala ng kapital sa pamumuhunan.